Sunday, June 23, 2013

On parties at iba pa.


"Hindi lahat ng party masaya. May ibang hindi.." - Third Party

Lol. Yesterday, our club celebrated its Back-To-School Party to induct our new members and new set of officers. The party was a blast - kasabawan at its finest! San ka nakakita ng party na yung mga players ang nagdidikta sa game master ng gagawin?!? Hahaha! Such bullies! I really had fun - a much needed break from the stress I'm currently experiencing because of school. Below are some of the pictures taken during the parteyyy. I really looked harassed - fresh(?) from the school look.

Group picture :)

Induction of new members
Our hosts for the night - Jen and my beau :)
The party ended at 12 midnight but some of us decided to grab a coffee at Starbucks Mindanao Avenue. After a wonderful party with booze and lots of fooooodies, add the fact that it's already 1a.m., what do you expect - a very 'deep' conversation over coffee. We talked about baldness, testosterone, cheating, third parties and love. Below are some sabaw conversations:

Jhing to Tim: Ang ganda ng view dito.
Me: Grabe. Nagchecheck-out lang!
Jhing: Hindi no. Ang ganda ng view kasi nagrereflect sa ulo ni Tim yung ilaw. Hahaha!
Tim: Ah oonga. Dito rin sa view ko. Ang liwanag. Nagrereflect din sayo yung ilaw.
Jacques: Antayin natin si Third. Pagdating nya ang liwaliwanag na talaga. Hahaha! Kanina dim lights dito sa Starbucks eh. Nung pumasok tayo mejo lumiwanag.
Tim to Jhing: Pero pare kelan ka pa nagsimula mawalan ng buhok?
Jhing: Nagstart nung 35 ako. Ikaw ba? Ilan taon ka na?
Tim: 25.
Jhing: 25 ka pa lang?!?!
Jacques: Haha! ang yabang mo Tim. 25 ka pa lang pala. at least si Jhing okay lang na mawalan ng buhok. At least he had his time. Mga ganyang edad, makapal pa buhok nya.
Marion: Grabe. Buti pa ko *sabay himas sa buhok nya*
Jacques: Ang yabang mo Marion. Sige ka magantay-antay ka na lang. Kita mo oh mejo tumataas na rin hairline mo.
Third interrupts the conversation.
Third: Sabi kasi nila pag madali mawalan ng buhok sa lalake, mas marami siyang testosterone.
All: Weh????
Third: De. It's according to science blah blah blah
Me: Eto si Third, dinadaan tayo sa confidence sa pagsasalita nya para maniwala tayo sa pinagsasabi nya.
Allie: Eh ano ibig ba sabihin kung mas maraming testosterone yung lalake?
Tim: Ibig sabihin mas lalakeng lalake sya.
Allie: Huh?? So ibig sabihin pag mabuhok, baog???
All: Wahahahahaha!

**************************************************
We asked one of our new members why he joined Toastmasters:

Jacques: So bakit ka sumali ng Toastmasters?
Tim: Anong gusto nyong sagot? Honest truth?
Jacques: Hindi. Gusto namin yung honest lie.
Me: Hahahaha! So bakit nga?
Tim: Hmmm.. kasi kakabreak ko lang kasi sa girlfriend ko nun..
Jacques: Yown. Tissue.
Marion: So bakit kayo nagbreak?
Tim: Niloko nya ko eh..
Marion's eyes twinkle.
Me: Yown. May makakarelate dito.
Marion: Ay sabi na pare. Ano yan nakita mo mismo yung guy o umamin yung girl sayo?
Tim starts telling his story. And yun, best of friends na sila ni Marion. Hahaha!
Marion: Ako rin dati na-third party eh... Pero nung nagToastmasters ako, nakilala ko naman si Patty. So okay lang yan pare. Ganyan talaga buhay.

---Wow. That statement actually made me blush. Yay.

It's super nice to have a laid-back moments with these people. The sabaw conversations turned to more serious and really deep conversations until the clock turned two. :)

No comments:

Post a Comment